Posted at 11:57 PM by staticriot.
Nakapagbilang ka na ba
ng mga patak ng luha ng tala
kung kailan ang sinag ng umaga'y
bumubuhos na sa lupa?
Nasabayan mo na ba
ang indayog ng sapa
sa tuwing ang mga ulap ay bumababa
upang mangisda ng mga ngiti at tuwa?
Nakalaro mo na ba
ang hanging kumakanta
habang nariyan ka't nangangapa
sa kalahatan ng nasasakop niya?
Ako:
hindi pa,
hindi na -
magbilang? makisabay? maglaro? Samantalang ang sarili kong mga luha'y sumasabay, nakikiiyak sa pag-ikot ng bilog habang pinipilit kong maghanap ng kandidatong susuportahan ko - iyon ang katotohanan ng panahon: higit na madaling sumakay sa bangkang may layag sa halip na magsagwang mag-isa't lumutang nang walang direksyon; hindi ako boboto, ngunit may susuportahan ako. (Hindi mahirap intindihin ngunit madaling sisihin kapag lumubog na ang kayamanan at sa huli'y kailangan pang sisirin.)

Urbandub - Come
5 pulse(s).
