Posted at 12:43 AM by staticriot.
Huwag mo akong pagsasabihang nakalimot na ako sa mga prinsipyo ko. Huwag mo akong pangaralan tungkol sa mga bagay na wala ka namang naiintindihan. Huwag mong isampal sa akin ang sarili mong mga pagkukulang; kung mayroong di sapat, dahil iyon sa kahinaan mo.
Oo nga't may kinalaman ako sa gulo, ngunit ikaw ang ugat, ikaw ang nagsimula nito.
Tanggapin mo. Tanggapin mo ang lahat ng mura't galit ng madla bilang pasasalamat nila sa nagawa mong ingay.

Rednex - Cotton Eye Joe
3 pulse(s).
